December 29, 2024

DRILON: BACKER NI LAO HUHUBARAN (Missing link sa PS-DBM, DOH fiasco)

Sinabi ni Senate Minority Leader Frank Drilon na ang misteryosong backer ng dating head ng Procurement Service of Budget and Management (PS-DBM) na si Lloyd Christopher Lao at ng Pharmally Pharmaceutical Corporation ay ang siyang “missing link” na mag-uugnay sa korapsyon sa pagbili ng COVID-19 medical supplies.

“The challenge now is to be able to identify that backer, because that backer is the missing link that will connect the dots in this controversy,” saad niya.

“We see a pattern of corruption that was perpetrated by Lao and his cohorts. It cannot be done by Lao alone. Kaya mayroon siyang pinagtatakpan at iyon ang dapat nating alamin kung sino,” sambit ni Drilon.

Giit pa nito na mahalaga na mabunyag ang katotohanan sa nasabing usapin upang makatulong sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

“Sino ba yung backer ni Lao? Sino ba yung backer ng Pharmally? Huwag n’yo nang itago dahil lalabas din ang katotohanan,” wika ni Drilon.

Noong Setyembre 2020 at bago pa ilabas ng Commission on Audit ang report nito, nasilip na ni Drilon ang overpricing ng supplies na binili ng PS-DBM sa Pharmally.

Taong 2020 din, ibinulgar at kinuwestyon ni Drilon kung bakit bumili ng PS-DBM ng 2,000 units ng COVID-19 test kits mula sa Pharmally ng P344 sa halagang P344,000 o kabuuang P688 milyon gayung dapat ay nabili lamang ito ng P240,000 per kit kung kaya’t overpriced ito ng P208 milyon.

Kuwestiyonable aniya ang Pharmally Pharmaceutical Corporation na Setyembre 2019 nang maging incorporation sa Securities and Exchange Commission (SEC) na may paid-capital lamang ng P625,000. Base sa inilabas na financial statement ng Pharmally na isinumite sa SEC, ang income nito ay umabot sa P284.9 milyon noong 2020 mula sa zero na idineklara noong 2019 kung saan umakyat din ang assets sa P284.9 milyon noong 2020 mula P599,000 noong 2019.