Nagreply si Golden State Warriors forward Draymond Green sa post ni LeBron James sa social media account nito.
Ani Green, makakatuntong na muli sa White House si James at pwedeng magdiwang doon.Isa lamang si Green na nagdiriwang sa pagkapanalo ni Joe Biden sa eleksyon.
‘Yoooo @KingJames y’all can go to the White House and celebrate y’all title G!” reply ni Green.
Nagreply naman dito si LeBron ng:
“YO we back up in there my G!!! I’m taking my tequila and vino too!”
Bukod kay Green, nagdiwang din ang American sports icons. Anila, ang victory ni Biden ay makapanunumbalik ng democracy.
Dismayado kasi sila sa pamamalakad ni Trump sa loob ng apat na taon.
Isa si Green sa nadismaya sa kritisismo ni Trump sa mga atleta.Lalong-lalo na ang Black community. Kinukutya rin sila ni Trump tungkol sa racial injustice at discrimination.
Gayundin ang police brutality, LGBTQ+ rights at iba pang socio-political at socio-cultural ideologies.
More Stories
Reyes ‘di sinanto ang mga kalaban sa 2025 Santa Maria Town Fiesta Chess Challenge
STRONG GROUP ATHLETICS HINDI LALARO SA BRONZE MATCH DAHIL SA NANGYARING LUTUAN?
Wembanyama napili bilang isa sa mga reserve para sa kanyang unang NBA All-Star Game