December 25, 2024

Draft ng IRR ng anti-terror act binubusisi ng DOJ

KINUMPIRMA ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nakuha na niya ang draft ng implementing rules and regulations ng Republic Act 11479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020.

Ayon kay Guevarra, rerebyuhin at i-e-edit pa ang naturang draft at ‘pag natapos ay  isusumite nila ang narebyung IRR sa Anti-Terrorism Council.

Kailangan aniyang  maging maingat sa pagbalangkas ng IRR dahil marami ng petition  laban sa anti terror law na  humihiling sa Kataas-taasang Hukuman  na ideklarang ilegal o labag sa Saligang Batas.

Tiwala ang kalihim na magiging handa na ang IRR para sa  deadline nito sa Oktubre.

Ang anti terror law na linagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ay umani ng kaliwa’t kanang batikos, at sa kasalukuyan ay mayroon ng 32 petition sa Korte Suprema kontra anti terror law ang naidulog na ng iba’t ibang grupo at mga kilalang personalidad.