Nagsagawa ang Department of Transportation (DOTr) at Philippine Coast Guard (PCG) ng Valentine’s Day campaign sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) upang ipagdiwang ang araw nang may pagmamahal, “Libreng Sakay” mula PITX patungong Monumento.
Ang libreng sakay program ay para lamang nitong Pebrero 14, mula alas-6:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga at alas-4:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi, biyaheng PITX papuntang Monumento, Monumento papuntang PITX.
Kasama rin sa kampanya ang panghaharana at pamimigay ng bulaklak sa mahigit 1,000 pasahero ng PITX, Light Rail Transit Line 2, Metro Rail Transit at Philippine National Railways.
Naramdaman din ang presensiya ni Highway Patrol Group Brig. General Clifford Gairanod sa gift giving ng mga bulaklak sa mga pasahero na may paalala sa anti-carnaping tips sa mga PUV drivers.
“This partnership between the transportation agencies is proof that we all aim to spread the love to our passengers through the libreng sakay and a little gift giving,” ayon kay Jason Salvador, Corporate Affairs and Government Relations Head ng PITX.
“We are thankful to DOTr, PCG, and HPG who gave our passengers happiness during the day of hearts,” pagpapatuloy niya.
Upang higit pang ipagdiwang ang selebrasyon ng pag-ibig sa landport, inilunsad din ang #WalangBibitaw2023 campaign para sa Valentine’s themed items na maaring bilhin ng mga pasahero para sa kanilang minamahal.
Fruitas, Highland Coffee, Red Ribbon, Yellow Cab, Krispy Kreme, Mister Donut, Dunkin’ Donut, Fashion Rack, Goodcut, at Original Pinoy Merienda.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag