INIUTOS ng Korte Suprema sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maghain ng komento kaugnay sa petisyon na naglalayong itigil ang pagpapatupad ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.
Tinutukoy ng mataas na hukuman ang petisyon noong Disyembre 19 na inihain ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) chairman Modesto Floranda, Jason Jajilagutan, Bayan Muna party-list coordinator Gaylord Despuez, Para-Advocates For Inclusive Transport member Edric Samonte, No to PUV Phaseout Coalition of Panay member Elmer Forro, and Komyut spokesperson Ma. Flora Cerna.
“Considering the allegations contained, the issues raised, and the arguments adduced in the petition, but without necessarily giving due course thereto, respondents DOTr and LTFRB should comment on the petition and on the urgent application for a Temporary Restraining Order (TRO) and/or writ of preliminary injunction within a non-extendible period of 10 days from notice hereof,” the SC said in its order dated December 28.
Dagdag pa, “Now, therefore, you, respondents DOTr and LTFRB are hereby required to comment on the petition and on the urgent application for a TRO and/or writ of preliminary injunction within a non-extendible period of 10 days from notice hereof,”
Ang PUV modernization program, na nagsimula noong 2017, ay naglalayon na palitan ang mga jeepney ng mga sasakyan na may hindi bababa sa Euro 4-compliant na makina upang mabawasan ang polusyon at palitan ang mga PUV na hindi karapat-dapat sa kalsada ayon sa pamantayan ng Land Transportation Office (LTO).
Ang parehong utos ng Korte Suprema ay nagsabi na ang mga respondent ay dapat na personal na maghain ng kanilang mga komento sa Mataas na Hukuman gayundin ang personal na magbigay ng kopya ng nasabing mga komento sa mga petitioner.
Ang utos ng korte Suprema ay ibinigay sa pamamagitan ng awtoridad ni Senior Associate Justice Marvic Leonen, ang gumaganap na Punong Mahistrado ng Korte Suprema, sa nakasulat na rekomendasyon ng Member-in-Charge.
Matatandaang, itinakda sa Disyembre 31 ang deadline para sa konsolidasyon para sa enlistment ng mga PUV sa ilalim ng modernization program.
Gayunpaman, ang serye ng transport strike ay nagtulak sa gobyerno na magbigay ng isang buwang palugit para sa mga umiiral na may hawak ng prangkisa ng PUV upang pagsama-samahin sa ilalim ng isang kooperatiba na bibigyan ng prangkisa sa ilalim ng modernization program.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA