January 25, 2025

DOTr hihingi ng P1-B para sa bike lane

Naglagay ng kulay asul na barrier sa kahabaan ng Taft Avenue sa Maynila ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa bike lane na magagamit ng mamamayan na nagbibisikleta bilang transportartasyon sa gitna ng coronavirus pandemic. Naglagay din ng mga bike lane sa mga pangunahing kalsada sa Maynila tulad sa Quirino Avenue, UN at Roxas Boulevard para sa kaligtasan ng mga nagbibisikleta. (Kuha ni NORMAN ARAGA)

Humihirit ang Department of Transportation (DOTr) ng budget para sa pagsusulong ng bike lane network sa Metro Manila sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

“In accordance with the Metro Manila-wide bike lane network, tayo ay nakikipagtulungan sa ating mga congressmen and senators na sana ay mabigyan ito ng pondo for this year through Bayanihan 2,” ayon kay DOTr Assistant Secretary Steve Pastor.

Ang Metro Manila-Wide Bike Lane Network ay tinatayang nagkakahalaga ng P1.035 billion sakop ang kabuuang 644 kilometers na bike lane.

“For circumferential roads, this will cover C1, C2, C3, C4, EDSA line, C5, C5 extension, and C6 — a stretch of 204.5 kilometers, while for radial roads, it will cover R1, R2, R10, R4, R5, and R9, or at least 295.22 kilometers,” paliwanag ni Pastor.

Magkakaroon din ng bike lanes sa Ortigas, Buendia, White Plains, Estrella, Ayala at Manggahan na may kabuuang 68 kilometers.

Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang magtatayo ng ‘interim bike lanes’ sakop ang mga ruta sa Taft Avenue, Quirino Avenue, Roxas Boulevard at United Nations Avenue para sa mga healthcare workers na nagtatrabaho sa Philippine General Hospital (PGH), Manila Doctor’s Hospital, Manila Medical Centre at Ospital ng Maynila.

Mayroon ding interim bike lanes sa Quezon City para sa mga health frontliner na pumapasok sa Philippine Children’s Hospital, Lung Center of the Philippines, Philippine Heart Center, Veterans Memorial Medical Center at East Avenue Medical Center.

“Because of the clamor of our healthcare workers and being the priority at this point, we are establishing protected bike lanes that will connect major roads, residential areas, and high-volume commuter areas to major medical facilities,”  ani Pastor.

“This was as requested by medical workers so that they have access to their work and home through bikes,” dagdag pa niya.

Para sa EDSA bike lanes, pinoproseso na ang mga materyales na gagamitin sa proyeko.

Nabatid na ang limitadong transportasyon at pagpapatupad ng community quarantine measures ang nagtulak sa karamihan sa mga manggagawa na gumamit ng bisikleta papasok at pauwi mula sa kanilang trabaho.