INANUNSIYO ng Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na kanilang ipagpapatuloy ang kanilang commitment para pagbutihin ang aviation gateways ng bansa nang i-update ng CAAP, sa pamamagitan ni Davao International Airport (DIA) Rex Obcena, ang publiko sa patuloy na development doon.
This month, passengers will see construction underway on the airport’s passenger terminal building (PTB), particularly in its check-in and domestic arrival areas. While this development is ongoing, the airport has set up alternate secured areas where passengers will be redirected for the meantime,” ayon kay Obcena.
Sinimulan ang improvement ng DIA PTB noong Marso 20, 2022 na may total cost na P46,981,074 at inaasahan na matatapos sa Hunyo 2023. Ngayong Pebrero 2023, nasa 35.26% na ang natapos sa proyekto at tataas pa ito sa installation ng bagong escalators at elevators sa check-in at domestic area.
Kabilang sa mga detalyadong akibidad na itinatayo sa ilalim ng proyekto ay ang painting works sa lobby ceiling, polising ng decorative areas, at special equipment works tulad ng nasabing installation at improvent ng escalators sa check-in area at domestic arrival area. Nag-install din ng glass panels at wood décor sa mezzanine floor sa paliparan. Habang ang iba pang ongoing works ay ang relokasyon ng x-ray machines at installation ng board-ups.
Samantala, ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio na target simulan ngayong Hunyo ngayong taon ang proposed expansion project para sa terminal building ng DIA na nagkakahalaga ng Php 699,549,324.15 at nakatakdang matapos sa Hunyo 2025.
“DIA is now one of the nation’s busiest airports, catering to 251 domestic and 11 international flights weekly,” saad ni Apolonio.
“With the influx of travelers transiting in the airport, the completion of these development projects are expected to allow the airport to serve and accommodate more passengers at a given time. Keeping up with the industry’s growth, CAAP through DIA will continue to provide safer, more secured, and convenient travel for Filipinos and the entire flying public,” dagdag pa nito. JERRY S. TAN
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund