BILANG suporta sa resolusyon na inilabas ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na hinihikayat ang lahat na gumamit ng face shield, namahagi ang Department of Science and Technology Region 02 na pinanguhan ni Director Sancho A. Mabborang ng 5,000 piraso ng face shield sa Provincial Local Government Unit ng Cagayan nitong nakaraang Lunes, Agosto 24, 2020.
Ang nasabing face shield na nilikha ng DOST-Metals Industry Research and Development Center (DOST-MIRDC) upang suportahan ang medical at non-medical front liners sa buong bansa.
Bukod sa proteksyon sa mata, ilong at bibig na hatid nito, pinaniniwalaan din ng mga local researcher na ang ibibigay na face shield ay mahusay na proteksyon para hindi mahawa ng coronavirus pandemic 2019 o COVID-19.
Ang mga face shield ay opisyal na iginawad sa pamamagitan ni Engr. Sylvia T. Lacambra, PSTC-Cagayan Director, John Micheal Taguiam, SRS II, Jayferson Mabborang, SRS II, at Ferdinand Micheal, SRS I.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA