Nais ni Utah Jazz point guard Donovan Mitchell na mai-trade siya ng team. Ito’y matapos na masalang sa hot water dahil sa pagkabigo sa NBA playoffs. Pinatalsik ng Dallas Mavericks ang Jazz sa series na 4-2.
Ayon sa mga analyst, hindi na masaya si Mitchell sa team. Ang pagnanais nitong mai-trade ay bunsod pa ng magresigned ni coach Quin Snyder. Pero, maaaring maganap pa ito sa next offseason.
Gayunman, maaaring mapabilis ito kung maikakasa ang trade. Ilang NBA teams ang nagmo-monitor ngayon sa sitwasyon ni Mitchell. Ito ay ang New York Knicks o sa Miami Heat.
Ayon sa New York Post, ang Knicks president na si Leon Rose ay agent ni Wade at ni Mitchell. Maaaring gamitin nito ang impluwensiya upang malambat ng Heat at Knicks ang star point guard.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2