NALOKA ang madlang pipol sa video na ipinakita ni Donita Nose sa YouTube, nang umalis na ang pamilya ni Michelle Banaag sa condo unit ni Tekla na nagkakahalaga ng P2.4 milyon.
Talagang binaboy ni Michelle ang nasabing condo na kanilang tinirhan, kasama ang kanyang mga kapatid. Halos maluha si Donita, sa kanyang mga nakita pero wala itong magawa kundi ang tumulong na lamang kay Tekla na kanyang kaibigan.
Halos lahat ng parte ng condo ay may mga nakakalat na basura, talagang binaboy ni Michelle at ng kanyang mga kasama ang condo. Napamura na lamang si Donita, sa kanyang mga nakita dahil hindi niya akalain na may mga tao pa rin palang nagpala sa kanila pero ang ipinalit nila ay ang ipahamak si Tekla.
Matagal na palang natunugan ni Donita, na ginagamit lang ni Michelle ang kanyang kaibigan pero mas pinili ni tekla na maspiliin si Michelle kaysa sa advice ni Donita na hiwalayan na ni Tekla ang girlash na kanyang ka-live in.
Hindi naman masisi ni Donita Nose ang kaibigan, dahil nasa posisyon si Tekla na bulag ito dahil sa tawag ng pag-ibig. Ang masakit pa ay binaligtad siya at pina-Tulfo pa niya ito.
Kaya ang nangyari sa kalagayan ngayon ni Tekla, ay sirang-sira siya. Pero hindi nagtagumpay si Michelle, dahil bukod kay Tekla ay marami ang nagpapatunay na isang mabuting tao si Tekla.
More Stories
WILLIE REVILLAME WALA PANG MAISIP NA PLATAPORMA: SAKA NA ‘PAG NANALO NA KO
Vice Ganda may unkabogable na bagong sasakyan?
JOJO NONES KAY JINGGOY ESTRADA: SORRY