November 23, 2024

DONASYON PA MORE!

HINAGPIS  at dusa ang nararamdaman ng mga pobreng biktima  ng kalamidad saan man dako ng bansa sila masalanta.

Habag naman ang nararamdaman ng mga mapalad na di naapektuhan ng delubyong lagi na lang nananalanta sa ating bayang hilahod na sa iba’t- ibang krisis na kinakaya pa rin ng matiisin at madasaling Pinoy.

 Sa ganitong nakakaantig na sitwasyon ay umiiral naman ang diwa ng bayanihan.Tulungan ang mga nangangailangan ng agarang ayuda mula sa mga likas ang kabutihan sa kapwa.

 Pero may mga masasamang elementong nagsasamantala sa krisis na sitwasyon.

 Sila iyong mga nagtatago sa likod ng maskara ng santo na ang pronta ay serbisyo publiko.

 Klasik dito ay ang mga dambuhalang institusyon na mabilis humingi ng donasyon tuwing may trahedya ng kalamidad man-made man o gawa ng kalikasan.

 Limpak  na salapi at bultong relief goods ang pinadadaan sa kanilang network na hayagang ipinanghihingi ng tulong ang mga biktima pero ang totoo ay ilan lang ang mabibiyayaan ng ayuda  sa ipinakitang katunayan ng kanilang pamamahagi  sa iilang lugar pero hanggang dun na lang iyon and the rest nasa mapagpalang lukbutan na ito mapupunta at bumilang ka ng panahon ang naipong donasyon ay naipagpatayo ng kanilang gusali at mansiyon.

 Talamak ang ganitong gawa dahil wala namang batas na kukuwestiyon  at  o- audit kung saan napupunta ang  ayudang pinansyal at materyal.

 Sila iyong mga mas evcited kesa takot sa paparating na delubyo  dahil ang aftermath nito ay dadagsa na naman ang donasyon na walang deklarasyon.

Klasik sampol noong YOLANDA. Mistulang na-washout din ang mga dolyares at ambag mula sa ibat ibang lahi na naawa sa kinahinatnan ng mga Pilipino. Where have all donations gone? Hanggang ngayon, kapag may trahedya, silang mga buwitre pa rin ang kapal na pinanghihingi ng ayuda (kuno) ang nasalantang masa.

Isa pang KLASIK ay gagamitin ng mga tradisyunal na pulitikong PLASTIK ang mga biktima  na kunwari ay dadalawin sila, kokomportahin, kakarga ng bata, magmamano pa sa matanda at mamimigay ng GIMIK na  ayuda na galing naman sa gobyernong sinisiraan nila at pagkatapos ng PITIK ng kamera ay  headline na sa fakenews media ang kaplastikan nila.

Huwag kayong mag-alala parating na ang KARMA nila. Mawawala na sa himpapawid ang  mga salaulang pekeng network at ang nga TRAPONG dilawang salot sa lipunan, SASALANTAIN ng DELUBYO sa HALALAN, ubos sila… ABANGAN!