Muling uupak sa ring si Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire Jr sa Disyembre 12. Balak nito na agawin ang WBC bantamweight title ng undefeated Frenchmen Nordine Oubaali sa Mohegan Sun Casino sa Connecticut.
Kabilang din ang Donaire-Oubaali sa nine-card match na i-e-ere ng Showtime. Hindi umupak ang 37-anyos na si Donaire sapol nang makuha sa kanya ang WBA superbantamweight belt kay Japanese pug Naoya Inoue.
Naglaban ang dalawa noong November 2019 bilang main event ng World Boxing Super Series sa Saitama, Japan.
Target kung sakali ni Donaire na maitarak ang kanyang ikapitong world title. Ngunit, ayon sa oddmakers, underdog siya sa mas batang si Oubaali.
Ang 33-anyos na si Oubaali ay naging pro noong 2014 pagkatapos lumaban ng dalawang beses sa Olympics.
Sa 17 laban, 12 rito ang napanalunan niya via knockout. Mahablot din nito ang WBC belt via unanimous decision kay American Rau’shee Warren.
Kabilang ang laban nila sa undercard ng Pacquiao-Adrien Broner bout noong Enero 2019.Si Donaire naman ay may boxing record na 40 wins, 26 KO’s at 6 losses.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo