Nakatakdang magsagupa sina Nonito Donaire Jr at John Riel Casimero para sa unification bout. Maghaharap ang dalawang Pinoy boxers sa bantamweight division sa Agosto 14 sa Carson, California.
Si Casimero ( 30-4, 21KO) ay haharap dapat sana kay Guillermo Rigondeaux. Ngunit, umatras ang Cuban fighter sa unification bout.
“My team does magic. Thank you to Richard Shaefer, Rachel Donaire, PBC, TGB, and Showtime. I started camp last week,” saad ng 38-anyos na si Donaire (41-6, 27 KO).
“Belt number two is coming soon.”
Sina ‘Filipino Flash’ at ‘Quadro Alas’ ay nasa Las Vegas din ngayon. Panonoorin kasi nila ang laban ni Michael Dasmariñas kontra Naoya Inoue.
“Kasi pareho lang naman ang decision naming gustong maging undisputed,” saad ng 31-year-old native ng Ormoc.
Ang mananalo sa kanila ay uupak naman laban kay Inoue o kay Dasmariñas ngayon taon.
“Kung sinong manalo sa amin, siya ang lalaban kay Inoue,” ani Casimero.
“Turuan nga natin ng leksyon ang Donaire na ‘yan. Final na. Laban na namin, tuloy na August 14,” aniya.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na