NAGPOSTE ng ikalawang sunod na panalo ang Cavite Don Pacundo Sealions at wagi rin ang Malolos Republc at IGT sa triple header elimination round ng Sinag Liga Saya Kuwarenta kamakalawa sa San Andres Gym, Malate, Manila.
Nilantakan ng Sealions nina Jimwell at Katherine Laron ang GDL ,95-77 sa pangunguna ni player of the game Dexter Gobis sa kanyang best perfomance na 27 puntos katuwang sina Mark Marcos ( 18) at Aris Tuble (13).
Nauna dito, ibinuhos ng Malolos Republic ang buong lakas nito upang tatakan ng talo ang Tatak Gel,92-83 sa bidang laro ni player of the game Virgilio Catequista na naglista ng 24 pts ,6 assists at 3 steals.Kaagapay niya si Jayson Custodio na may 19 habang 17 naman kay Kenneth Santiago.Ang halftime score ay 45- 42.
Sa nightcap ng ligang inorganisa ng Sinag Liga Asya sa pamumuno nina Chairman Rocky Chan, Pres.Ray Alao, Executive Director Leo Isaac at Commissioner Rodney Santos, dinaig ng Integrated Green Technology ( IGT) ni coach Jerome Ejercito ang brigadang Bayabas Kennel,92-85 pasimuno si best player Roel Capati na may 24 pts,11 rebounds ,5 assists at 1 steal na inagapayan nina Ryan Pangilinan(13) at Jeff Paraiso (12).
Mahigpit ang laban sa unang dalawang quarter kung saan ay tabla sa 40 all ang halftime score.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA