
Patay ang isang 43-anyos na doktor matapos uminom ng inumin na ipinadala ng isang pasyente sa kanyang clinic sa Malate, Manila.
Ayon sa ulat ng Manila Police District, nang matikman ng biktimang si “Kis”, isang aesthetic doctor, ang inumin na mula umano sa isang kilalang coffee shop, nagulat siya sa lasa nito at nagsuka agad.
Tumakbo pa sa comfort room si Kis, ngunit doon na siya nawalan ng malay at binawian ng buhay habang isinusugod sa ospital.
Kasalukuyan nang isinasailalim sa autopsy ang katawan ng doktor upang matukoy ang sanhi ng kanyang kamatayan.
Patuloy naman nang iniimbestigahan ng mga otoridad ang naturang insidente.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon