April 28, 2024

DOH, may namomonitor pa ring mga kaso ng Covid-19

Nagpapaalala ang Department of Health sa publiko kaugnay sa patuloy na pagkalat ng Covid-19.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, may mga namomonitor pa rin silang  tinatamaan at nahahawaan ng coronavirus.

Ngunit maliit na porsyento lamang aniya ito kung ikukumpara sa mga nakaraang buwan.

Sa kasalukuyan, ang daily average cases ng covid-19 ay  36 na lamang habang may 251 na active cases.

Sa daily average cases, tatlo ang maituturing na severe o may malalang kondisyon habang 7 ang pumanaw, 5 sa bilang na  ito ay naitala noong Pebrero 20 hanggang Marso 4.

Padating sa mga covid-19 intensive care unit bed, sampung porsyento lamang ang nagagamit habang labing isang porsiyento lamang ang nagamit sa mga non-ICU beds.