June 21, 2024

Disente issue, pinalagan ng netizen… MAAGANG PANGANGAMPANYA NI SHARON CUNETA, MASYADONG OA

HINDI nagustuhan ng mga netizens ang maaga umanong video campaign na ipinost ni Sharon Cuneta, dahil over acting ang dating nito sa mga nakapanood.

Lalo na nang bangitin niya na hindi raw disente ang mga taong under sa panahon ng ating Presidente na si Duterte, at kung si Leni Robredo raw ang manalong Presidente ng Pilipinas ay muling maibabalik ang pagka-desente ng mamamayang Pilipino.

“Sino ba nakasira sa pagiging disente ng Pilipinas? ‘Di ba kayo ring mga dilawan, na hanggang ngayon ay patuloy na nanggugulo dahil ayaw ninyong makiisa sapagkat ang gusto ninyo na kayo ang laging masusunod. Sorry, hindi ninyo na panahon, dahil buking na kayo ng madlang pipol,” mataray na pahayag ng basher ni Sharon Cuneta.

Maraming hindi nagustuhan ang ginawang rebelasyon ni Sharon, dahil pinalabas niyang sa panahon ng pamumuno ni President Duterte ay hindi raw disente ang mga taong nasasakupan niya.

Parang pinalalabas ng actress na sirang-sira ang moral ng mga Pilipino nang si Presidente Duterte ang namuno sa Pilipinas.

Well, tignan na lang natin kung lulusot ang gusto niyang maging Presidente ng Pilipinas. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa nakakalimutan ng mga Pilipino ang ginawang kabulastugan ng kanyang mga manok. Kayo anong reaction ninyo? Totoo bang hindi disente ang mga Pilipino sa ngayon?