Isang magandang balita para sa ating mga pambansang atleta ang paglatag ng isang resolusyon; kung saan maaari silang bigyan ng discount sa mga lokal na establishments kapag bibili o gagamit ng serbisyo.
Ang kailangan lamang ay ipakita ng mga atleta ang inisyung identification card at booklet ng Philippine Sports Commission (PSC) para mabigyan ng discount.
Ito ay magkakaroon ng katuparan sa nilagdaang City Council Resolution No. 355, series of 2020 ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Tinitiyak ng nasabing alkalde na matutugunan at matututukan ang pagkakaloob ng kaukulang benepisyo sa mga national athletes. Sa gayun ay lalo pang maging masigasig ang mga ito na pagbutihin ang kanilang mga kasanayan.
Gayundin ang motibasyon at pagsisikap na makapagbigay ng karangalan sa bansa sa bawat sasalihang kompetisyon.
Batay sa nakasaad sa resolusyon, kinakailangang magbigay ng pormal na direktiba ang mga ahensiya ng pamahalaan; sa gayun ay matiyak na makasusunod ang mga establisimyento sa Republic Act 10699 o ang National Athletes and Coaches, Benefits and Incentives Act.
Nakasaad sa nabanggit na batas na nararapat bigyan ng 20 diskwento ang mga atletang Pilipino na umuupa sa lodging establishments, paggamit ng transport services, amusement ang leisure facilities at pagtangkilik sa mga serbisyo.
More Stories
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!
Football Festival Exhibition Game, idinaos sa loob ng New Bilibid Prison
PHILIPPINE ENCOUNTER C’SHIP ‘PASAY MMA VS PHIL. MMA SA NOV.9, KASADO NA!