Sasailalim pa rin daw sa testing at quarantine protocols ang mga diplomats at asawa maging ang anak ng mga Pinoy na nasa 35 bansang mayroong travel restrictions dahil sa bagong variant ng Coronavirus diease 2019 (COVID-19) kahit pinayagan na ng Inter Agency Task Force (IATF) ang mga itong makapasok dito sa bansa.
Una rito, sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente na nakahanda ang Immigration na ipatupad ang direktiba ng IATF na payagang makapasok ang ilang ilang banyaga na mayroong valid visas.
Natanggap na rin daw ng Bureau ang kopya ng IATF Resolution No. 95 na pumapayag sa pagpasok ng mga accredited foreign diplomats, personnel ng mga accredited international organization gaya ng World Health Organization (WHO) at United Nations (UN) at mga foreign dignitaries kahit mayroon silang travel history sa loob ng 14 days sa 35 bansa na mayroong travel restrictions dahil sa UK covid variant.
“Arriving foreign diplomats and personnel of accredited international organizations will be referred to the airport’s one stop shop for the usual testing and quarantine protocols,” ani Morente.
Dagdag ni BI ang mga mga pupunta dito sa bansa para sa medical at emergency cases, kabilang ang kanilang mga medical escorts kung mayroon man ay papayagan ding pumasok sa bansa pero kailangan pa ring sumailalim sa testing at quarantine protocols base na rin sa direktiba ng Department of Health (DoH).
Kabilang din sa mga papayaggang makapasok na sa bansa ang mga asawa at menor de edad na anak ng mga Pinoy.
Pero iginiit naman ni na ang mga paparating na asawa at menor de edad na mga Pinoy ay kailangang mag-apply ng entry visa bago makapasok sa bansa.
“Spouse and minor children of Filipinos traveling with them who are not in possession of valid entry visas issued by our foreign posts abroad will not be allowed entry,” dagdag ni Morente.
Ninilidaw din ni Morente na ang may mga hawak na dual citizens ay papayagan ding makapasok sa bansa bastat mayroon lamang silang valid Philippine passport o certificate of citizenship.
Ayon sa BI ang certificate of citizenship ay puwedeng Identification Certificate o certificate of reacquisition/retention ng Philippine Citizenship sa ilalim ng RA 9225.
Kung maalala, epektibo pa rin hanggang sa ngayon ang travel ban sa mga bansang United Kingdom, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, The People’s Republic of China, including Hong Kong Special Administrative Region, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain at United States.
Kasama rin dito ang Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, Brazil, Austria, Pakistan, Jamaica, Luxembourg at Oman.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA