September 14, 2024

DINDO BALARES SA KUMAKALAT NA FAKE NEWS KAY BIMBY AQUINO: ‘STRAIGHT SI BIMB’

NOON pa man ay pinagdududahan na ang pagkalalaki ni Bimby Aquino.

Noon kasi’y napapansin natin ang kakaibang kilos ng anak ni Kris Aquino.

At may kumakalat pa ngayon sa social media ang chickang may boyfriend daw ang bunsong anak ng Queen of All Media na kasa-kasama sa isang beach.

Pero paglilinaw ng kaibigan ni Kris na si Dindo Balares na lalaki si Bimby.

Sa Instagram, pinabulaanan ni Balares ang pekeng balita at sinabing hindi si Bimby ang nasa viral photos.

Hindi rin aniya bahagi ng LGBTQ+ community si Bimby.

“STRAIGHT SI BIMB,” saad niya. “Pati mga kaibigan ko sa entertainment media, nagme-message at nagtatanong tuloy sa akin (kahit madaling araw) kung si Bimby raw ba talaga ang nasa photos sa lumabas na fake news.”

“Sa photos — na galing pala sa post na kuha sa engagement sa beach ng masayang gay couple — parang may hawig kasi kay Bimb ang isa dahil sa built ng katawan, eyeglasses, at pati gupit ng buhok. Kagamit-gamit para kumita sa social media. Pero hindi si Bimb ‘yan,” dagdag niya.

Binigyang-diin ng retiradong journalist na kung ang mga mamamahayag nga ay napapaniwala ng fake news, papaano pa kaya ang mga netizens?

“Imagine kung pati journalists nga nagdadalawang-isip at halos mapaniwala na ng fake news, e, ‘di lalo na ang publiko. Sa comment threads, as usual, andami nang homophobic condemnations, judgments, at mahahalay na sinasabi,” paliwanag niya.

“Sa tagal ko sa entertainment beat, natuto ako sa mga katoto kung paano ‘umamoy’ ng closet queen,” pagpapatuloy niya. “So, di maiiwasang may exams. May ituturo silang artista, especially young actors, at pahuhulaan sa akin kung tunay na lalaki o bading. Mataas ang batting average ko, almost 100%.”

Bandang huli, muling ipinunto ni Dindo na straight si Bimby at marami raw siyang nais ikwento tungkol sa anak ni Kris in the future. “Straight si Bim. Sandali nga! Mabuti pa siguro siya muna ang ikuwento ko, patalastas sa series ng posts tungkol sa kanyang Mama Kris. Oo nga! Si Bimb na muna. Abangan!” aniya sa post.