
MUKHANG hindi na tuloy ang show ni Willie Revillame sa PTV 4 at IBC 13, ang dahilan ay ang Ghost Month na pamahiin. Ang August at September ay Ghost Month sa kanila, at ang paniwala nila ay walang dalang swerte ang nasabing buwan.
“Kung hindi man ito matuloy sa nasabing TV Network, ang alternative course of action nila ay ang YouTube at Facebook na indemand sa ngayon.
“Noon ngang nawala ang show niyang ‘Wowowin,’ na ginagawa sa Wil Tower bilang studio nila ay sa FB lamang ito napapanood.
“Iyong pakikipag-usap naman niya sa TV5 ay mukhang malabo na rin, dahil mukhang hindi sila nagkaayos ng management ng TV5,” malungkot na kwento ng aking source.
More Stories
Mahigit 4,000 PDLs, nakaboto sa Halalan 2025—BuCor
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente