December 27, 2024

DILG, DHSUD, MMDA NAG-INSPEKSYON PARA SA PLANONG PAGPAPAGANDA SAN JUAN RIVER

Nagsagawa ng joint ocular inspection sina Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jerry Acuzar, Metropolitan Manila Development Authority Chairman Romando Artes, Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora sa kahabaan ng San Juan River sa Barangay Batis, San Juan City ngayong araw.

Layon ng ginawang pag-iinspeksyon na mai-assess, mai-validate at ma-enhance ang implementasyon ng inisyatibo ng gobyerno, tulad ng pag-rehabilitate ng inabandonang linear park ng dating Pasig River Rehabilitation Commission sa tabi ng San Juan River. (Kuha ni ART TORRES).