January 8, 2025

DIGONG ININGUSONG UTAK NG KUDETA VS GOBYERNO

LAKING gulat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakadawit sa kanyang pangalan sa sinasabing desabilisasyon laban sa gobyerno.

Nauna nang inamin ni Armed Forces chief Gen. Romeo Brawner Jr. na may grupong na nais guluhin at pabagsakin ang administrasyong Marcos na sinasabing ilang retiradong heneral ang sangkot dito at may may mga balitang si Duterte ang utak nito.

 “I really do not know how I was dragged into this,” ani ni Duterte sa programang Gikan sa Masa Para sa Masa na inire sa Sonshine Media Network International (SMNI).

Habang aminado si Duterte na nakipagpulong nga siya sa ilang retiradong heneral, itinanggi naman nito wala namang napag-usapan na destabilisasyon o kudeta sa nasabing pagpupulong.

“What I said during our meeting, among others, was as long as there is no serious issue of corruption (there would be no coup). What would bring the government down… is if the people would know that their money is being spent on personal matters,” ayon sa dating Pangulo.

Sinabi ni Duterte na posibleng na ‘misquote’ siya ng iba dahil wala naman umano siyang nababalitaang seryosong isyu ng korupsiyon sa gobyerno sa ngayon.  “I do not see any in the horizon, however short or long. I don’t think that there are current issues big enough to create another turmoil. The biggest issue that would cause it would be corruption in government that’s rampant, uncontrolled and unabated,” dagdag pa ni Duterte.