November 5, 2024

DIGONG DAPAT MAGSALITA SA WEST PH SEA – CARPIO (Chinese vessel nakaporma na)


NANAWAGAN si retired Supreme Court justice Antonio Carpio kay Pangulong Rodrigo Duterte na basagin na ang katahimikan sa pinakabagong pagdaluhong ng mga Chinese vessel sa West Philippine Sea.



Ayon kay Carpio, kailangan na ni Duterte na tumindig sa West Philippine Sea, bukod sa ginagawang pagsisikap ng mga diplomat at defense official para magsalita tungkol sa isyu.

“That (silence) is very disturbing, because he has to lead in this battle, in this fight to preserve, to defend our island territories in the West Philippine Sea and our exclusive economic zone,” ayon kay Carpio.

Mula pa noong Marso, naging matindi na ang tensiyon sa West Philippine Sea matapos maispatan ng task force ng pamahalaan ang nagkukumpulan na Chinese maritime militia ship sa karagatan ng Pilipinas sa kabila ng paulit-ulit na panawagan ng gobyerno na umalis sila lugar.

Nangako sina Defense Secretry Delfin Lorenza at Foreign Secretary Teodoro Locsin Jr, na araw-araw silang maghahain ng protesta laban sa China hangga’t naririyan ang kanilang vessels sa karagatan ng Pilipinas.

Samantala, wala pang inilalabas na pampublikong pahayag sa kanyang weekly televised address si Duterte bilang tugon sa naturang isyu nitong mga nagdaang linggo.

Duterte, meanwhile, has made no public remarks on the issue during his weekly televised addresses aired in recent weeks.

Nagbabala si Carpio na ang pagiging tahimik ni Duterte para depensahan ang karapatan ng mga Filipino sa West Philippine Sea ay maaring magkaroon ng magkahalong kahulugan sa Beijing kaugnay sa paninindigan ng bansa sa isyu.


“So he’s sending mixed signals to China, he’s allowing his subordinates to do the talking, but he’s very quiet. So China is saying, well, the boss is quiet. The boss is not objecting, so we can continue doing this and that’s very bad, because it’s sending mixed signals,” ayon kay Carpio.

“Of course, China will say well, we know that Duterte cannot do anything against us. So we will go on,” dagdag niya.