
DAHIL sa anak at kay Ms. Maricel Soriano kaya pala nagkaroon ng pelikulang ‘In His Mother’s Eyes.’ Tumayong nanay pala ni L.A. Santos si Maricel, nang magkaroon ng pandemya sa Pilipinas.
“Laking tulong ni Sis. Maricel Soriano sa anak ko. Nu’ng ‘Sa ‘Yo Ay Sa Akin,’ locked-in sila L.A. Tapos wala ako, nasa China ako for 11 months. Alam n’yo naman ang anak ko Mama’s boy iyan. Pagnagpa-panic iyan, si Sis, Maricel ang nakakapag pakalma sa kanya. Dahil doon itinuloy na namin ang paggawa ng pelikula, kaya si Sis, Maricel ang kinuha namin para gumanap na Nanay ni L.A. sa pelikula.
“Laki nang pasasalamat ko kay Ms. Maricel Soriano, kasi iyong tiwalang ibinigay nila sa anak ko grabe. Talagang very supportive sina Maria at Dick kay L.A., kaya hayun nakipagsabayan siya at hindi talaga nagpatalo ang anak ko.
“Dasal ang kailangan natin, para makapasok ang movie namin, at oagnakapasok ito sure na lalaban kami dahil alam naming may laban ang movie namin,” pagtatapos pa ni Mommy Florita Santos.
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC