December 24, 2024

‘Di raw niya ipinagyayabang… REQUEST NG MGA NETIZEN NA MAKITA ANG PRIVATE RESORT SA GENSAN TINUPAD NI JINKEE PACQUIAO

HINDI pala pinapansin ni Ms. Jinkee Pacquiao iyong mga taong ayaw sa kanyang pamilya. Ang mahalaga sa kanya ay makapagpasaya at makatulong siya sa kanyang kapwa tao. Doon nga sa nag-request na ipost niya sa kanyang Instagram ang kanilang beach resort, tinupad naman niya ang request kahit alam niyang maba-bash siya. Ang post ni Jinkee, “Ngayong nandito tayo as aming private resort. Ipakita ko naman sa inyo ang first private resort namin ng buying family. Sa lahat ng nagtatanong, ito na ‘yun. I am not bragging or anything na meron kaming ganito. Request n’yo naman ito, so i-tour ko kayo dito.” Saad pa niya.

“Sa tour, pinakita ni Ms. Jinkee ang kanilang mga villas, rooms, gazebo, hall, at pool area. Actually 7 years na iyang nagawa at dahil sa request ng mga tao na gusto nilang makita kahit sa Instagram man lang, hindi naman sila binigo ni Ms. Jinkee Pacquiao. At sorry sa mga bashers dahil, limitado lang ang pwedeng mag-comments sa post ni Ms. Jinkee.” Pagtatapos pa nang nagkwento sa akin.