
MALUNGKOT ang mga singer, dahil hindi na uso ang mga CD’s ngayon. Wala na rin ang mga recording company. Gaya ni Jose Mari Chan, wala na ang Tower Records na kinabibilangan niya na gumagawa ng mga CD’s album. Sa YouTube platform na ngayon kumukuha at nagda-download ng mga awiting gusto nila ang mga tao.
“Sayang marami pa naman akong album na dapat gawin, kaso hindi na uso ang CD’s album ngayon. Wala nang bumibili dahil, nada-download na lamang ito ng libre.
“Sa mga concert na lang ako bumabawi, para sa akin malaking opportunities ang mga concerts. Bukod sa nakakasama ko ang mga followers ko ay, nakakabonding pa kami,” Salaysay ng father of Christmas Icon na si Jose Mari Chan.
More Stories
Mahigit 4,000 PDLs, nakaboto sa Halalan 2025—BuCor
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente