INARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District ang isang 30-anyos na lalaki matapos nitong tutukan ng patalim at pagbantaang papatayin ang kanyang sariling ina sa loob ng kanilang bahay sa Malate, Manila, Linggo ng gabi.
Nakakulong ngayon dahil sa grave threats si Jerden Villafuerte, ng 2172 Fidel Reyes St., Malate.
Ayon sa ipinadalang report nina P/ Cpl. Jonjom Laguerta at P/ Cpl. Hajie Imperial kay P/ Lt. Col. Micheal Garcia, Station Commander ng MPD-Station 9, nadakip si Villafuerte dakong alas-8:00 ng gabi, sa tulong ng mga opisyal ng Barangay 709 Zone 86 matapos magsumbong ang ilang kapitbahay nang magpasaklolo ang nanay na si Aurora, 60.
Sa salaysay ng biktima, nagalit daw ang kanyang anak nang mabigong bigyan ito ng pera, kaya kumuha ng 11 pulgada na kutsilyo at pinagbantaan siya na papatayin kung hindi raw maibibigay ang kanyang gusto.
Narinig ng mga kapitbahay ang suspek kaya humingi agad ito ng tulong sa barangay na agad ipinagbigay-alam sa MPD-Adriatico Police Community Precinct na dahilan para mahuli ang suspek.
Dinala ang suspek sa Dury Inquest Fical sa Manila Prosecutor’s Office para sampahan ng kaukulang kaso laban sa kanya.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO