Tinalo ni Devin Haney ng US si George Kambosos ng Australia sa kanilang lightweight unification bout. Kaya naman, siya na ang undisputed lightweight champion of the world.
Kahit dayo sa balwarte ni Kambosos sa Melbourne, Australia, ginamit nito ang utak sa laban. Kung kaya, matagumpay nitong naidepensa ang WBC title belt sa ikalimang pagkakataon. Habalot din nito ang tangang WBO, IBF at WBA belts ni Kambosos.
Wagi si Haney via unanimous decision na nagpagulat sa 41,000 audience sa Marvel Stadium. Pumabor ang tatlong judges na nagbigay sa kanya ng 116-112, 116-112 at 118-110.
“This is a dream come true,” aniya.
Bago ang laban, nagkaroon ng problema sa pagpasok ng kanyang ama at trainer na si Bill Haney. Ito ay kaugnay sa three-decades- old drugs conviction doon. Gayunman, nabigyan ito ng 11 oras na visa.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na