Bumida si Derrick Rose sa pagkaldag ng New York Knicks sa Atlanta Hawks, 101-92 sa Game 2 sa Eastern Conference playof series. Bumuslo ng 26 points, 4 boards at 4 assists si Rose upang itabla ang serye sa 1-1.
Malaki ang nagawa ng experience at husay ng dating MVP para sa Knicks. Kaya, kahit off the bench siya, nakatulong iyon para matalo ang Hawks.
Nag-ambag naman si Julius Randle ng 15 points, 12 boards at 4 assists. Samantala, kumamada naman si Trae Young ng 30 points at 7 assists para sa Hawks.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2