Sinamantala ng Brooklyn Nets ang depleted Los Angeles Lakers, 109-98 sa Staples Center. Kaya naman, nailista ng Nets ang fifth straight wins nito.
Apat dito ang panalo sa road games.Binuhat ni James Harden ang Nets sa pagbuslo ng 23 points.
Gayundin ng 5 boards at 11 assists. Ito’y dahil sa hindi nakapaglaro si Kevin Durant dahil sa hamstring strain.
Nagdagdag naman si Joe Harris ng 21 points mula sa 6 out of 7 three-point attempts. Nag-ambag naman si Kyrie Irving ng 16 points.
Nanguna naman si LeBron James sa opensa ng Lakers sa pagbuslo ng 32 points. Nagtala rin ng history ang 36-anyos na si James sa paglista ng 35,000 career points.
Hindi naman nakapaglaro si Anthony Davis at Dennis Schroder dahil sa COVID-19 health and safety protocols.
Sa iba pang laro, nilapa naman ng Toronto Raptors ang Milwaukee Bucks, 110-96. Bumuslo si Norman Powell ng 29 points. Nagdagdag naman si Pascal Siakam 27 points.
Nanguna Giannis Antetokounmpo para sa Bucks sa pagbuslo ng 23 points.
Dinaig naman ng Miami Heat ang Sacramento Kings, 118-110. Bumida si Tyler Herro sa Heat sa pagbira ng 27 points.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na