December 7, 2024

DEP ED TANAY SIKARAN HIGHLANDERS BEST BETS PAPAKITANG GILAS NGAYON SA RIZAL PROVINCIAL MEET

HANDA nang sumabak sa bakbakan ang well-trained na koponang Dep Ed Tanay Sikaran Highlanders sa paghataw ng  Provincial Sikaran meet  ngayon sa Angono, Rizal ( Nobyembre 24-27).

Ang larangan ng sikaran (art of footfighting) ay deklaradong provincial sports na suportado ng Tanjuatco political icons ng lalawgan ng Rizal kung kaya inaasahan ang pagdagsa ng lahat ng sikaran enthusiast sa balwarteng sinilangan ng orihinal na Pinoy martial art.

 “After 20 days of comprehènsive sikaran training ng ating mga Sikaran DepEd Tanay athletes sa Tanay Sikaran Gym ay handang- handa  na silang sumabak ngayong  araw ng Linggo para  sa Provincial  Meet na pag -lalabanan  ng mga  bayan dito sa Rizal ayon iyan sa Sikaran Ordinance 002 2010 (Declaring Sikaran as a Provincial Sports) sinuportahan namin (Master Cuevas at GM Banaag )ang kanilang  training sa pamamagitan ng pagpapagamit ko sa kanila ng training facilitity at nagpapasalamat  ako sa Deped coaching staff, sa LGU Tanay at sa ating mga Sikaran trainor/ instructors na sina Master Mendoza,I ntructor Jonathan Decilos at Instructor Ricardo Bautista. Umaasa kami na masusungkit namin ang unang puwesto dahil determinado ang ating  players at coaches  ng Sikaran DepEd Elementary at High School,” optimistikong pahayag ng Global Sikaran Federation (USA) official at Tanay Raven Sikaran founder/ president na si Master Crisanto Cuevas.

 Ang best bets ng delegasyon ay binubuo ng :TANAY SIKARAN COACHES AND PLAYERS 2024-2025  nina

TM Sean Ashley A. Custodio

ELEMENTARY

Coach Boys: Jolimar Senense

Coach Girls : Sean Ashley A. Custodio

Chaperone: Angelique Escoban

Cat 2 Yohan Brix R. Custodio

Cat 3 Adonis R. Mahilum

Cat 4 Angeluz Rafael T. Jose

Cat 5 Mario Cedrick F. Puna

Cat 2 Raydine Margarette D. Hortelano

Cat 3 Alianna Shecaine I. Tangog

Cat 4 Natasha Guiboe

Cat 5 Sheena C. Persia

——————————

SIKARAN SECONDARY

Coach Boys: Darwin I. Ramos

Coach Girls: Henry R. Berro

Chaperone: Maylyn B. Mawili

BOYS

Cat 1 Sutingco, Jacob

Cat 2 Timtiman, Jeremie

Cat 3 Reyes, Tyron    

Cat 4 Cananea, Cyrille Dave

Cat 5 Celso, Rainier John

GIRLS

Cat 1 Valencia, Eldy

Cat 2 Pilar, Tiffany Joy

Cat 3 Pascua, Jhen

Cat 4 Regala, Reynavel

Cat 5 Romero, Jhanille.

“Mga ka-sikaran, bakbakan na!” ani pa Cuevas. (RON TOLENTINO)