
Umusad sina Dennis Orcollo at Carlo Biado sa semis ng 2021 US Open Pool Championships sa Harrah’s Resort sa Atlantic City, New Jersey. Nangangahulugan na rumekta na sa Final Four ang 2 Pinoy cue masters.
Dinomina ni Orcollo si Mario He ng Austria, 11-6 sa Round 16. Bago walisin ang kababayan nitong si Max Lechner, 11-7. Sinipa naman ni Biado si David Bermudez ng Spain, 11-10 sa last 16.
Dahil dito, naikasa ang showdown sa pagitan nila ni Johann Chua. Tinalo ni Chua si Canadian John Morra, 11-8.
Ang magwawagi sa torneo ay magbubulsa ng $300,000 prize pool.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo