
Pinangunaan ni DeMar DeRozan ang pagsuwag ng Chicago Bulls sa Los Angeles Clippers, 100-90. Nagtala si DeRozan ng 33 points, 8 rebs atr 5 ast.
Nag-ambag naman si Zach LaVine ng 29 points, 7 rebs at 2 assists. Samantalang bumira naman si Lonzo Ball ng 10 points, 5 rebs, 3 stl at 3 assists.
Sa panig naman ng Clippers, bumanat si Paul George ng 27 points. Kasama na rito ang 11 boards at 4 assists. Si Eric Bledzoe naman ay naglista ng 21 points. Habang si Reggie Jackson ay kumana ng 13 points, 3 rebs at 2 assists.
Samantala sa iba pang laro, nilambat ng Brooklyn Nets ang Oklahoma City Thunder, 120-96. Nanguna si Kevin Durant sa blowout win ng Nets sa pagbira ng 33 points.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT