NAGPASYA umanong magpakamatay ang 24-anyos na delivery boy sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa pinagtatrabahuang water station sa Malabon City.
Batay sa report na nakalap mula sa Malabon-PNP, nakilala ang biktima na si alyas “Mario”, taga-samar, at stay-in worker sa Terrence Water Station sa No. 183 Del Pilar St., Brgy. Santulan ng banaggit na lungsod.
Sa imbestigasyon ni PMsgt Jeric Tindugan, dakong alaa-9:00 ng umaga nang madiskubre ang nakabigting bangkay ng biktima ng isang alyas “Aaron”, kaibigan at kasamahan ng nasawi sa trabaho.
Nang magresponde ang Patrol Base 3 sa lugar, nakita nila ang biktima na nakabitin sa isang metal roof beam, gamit ang lubid na nylon na nakapulupot sa leeg nito.
Nananawagan naman ang pulisya sa pamilya at sa nakakakilala sa nasawi na makipag-ugnayan sa Malabon City Police Station habang patuloy ang kanilang pag-iimbestiga at hinihintay pa ang resulta ng isinagawang awtopsiya sa bangkay para malaman kung nagpakamatay o may foul play sa pagkamatay ng biktima. (JUVY LUCERO)
