BINIGYANG diin ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang mahalagang papel ng pribadong sektor sa pagtaguyod ng bansa kasabay ng kanyang pagpapahayag ng suporta sa pagpasa ng isang batas na ang layunin ay magtayo ng isang world-class airport sa lalawigan ng Bulacan.
Isa si Dela Rosa sa bumoto pabor sa House Bill No. 7507 o ang San Miguel Aerocity Inc. Franchise na aprubado na sa Senado sa ikatlo at huling pagbasa.
Paliwanag niya na hindi kakayanin ng pamahalaan na mag-isa para ilatag ang lahat ng pangangailangan ng mga Filipino.
“As we all know, the role of the private sector in nation-building is indispensable. The government alone cannot provide all the essential social services to uplift the lives of our people without the support and vital participation of the private sector.”
Hinimok din ni Dela Rosa ang iba pa mga mga negosyo sa pribadong sektor na aktibong makipagtulungan sa pagtaguyod ng bansa at magbigay ng mas maraming trabaho sa mga Filipino.
“I hope that our prompt but rigorous deliberation and passage of this bill will inspire our partners in the private sector to further help the government in improving its needed infrastructure to achieve sustainable and inclusive economic growth,” wika ni Dela Rosa.
“We hope that many private investors and businesses will follow the footsteps of San Miguel Aerocity, Inc. in providing infrastructure, creating thousands of jobs and contributing revenues for the operation of the government,” dagdag pa ng naturang senador.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Dela Rosa sa San Miguel Corporation para pangunahan ang Bulacan airport project na hindi lamang pakikinabangan ng mga taga-Bulacan at kalapit na lalawigan, kundi maging ng buong bansa.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?