HINILING ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang pagpasa ng kanyang panukala para maitatag ang Metropolitan Davao Development Authority (MDDA).
Isinusulong ni Dela Rosa na maipasa ang kanyang Senate Bill No. 2153 o “An Act Creating the Metropolitan Davao Development Authority, Defining its Powers and Functions, and Providing Funds Therefor.”
“The objective of this bill was affirmed in the Updated Philippine Development Plan 2017-2022, which declared that the institutionalization of the Metropolitan Davao Development Authority (MDDA) will ‘strengthen the coordination among the component cities and municipalities in the planning, implementation and monitoring of priority projects. Hence, the early passage of this bill is earnestly sought,’” saad niya.
Sa pagdinig ng komite sa panukalang batas, iminungkahi ni Dela Rosa na isama ang mga munisipalidad ng Hagonoy, Padada, Malalag at Sta. Maria ng Davao Occidental sa huridiksyon ng MDDA, kasama ang lungsod ng Davao City; ang mga lungsod ng Panabo, Tagum at Island Garden City ng Samal sa Davao del Norte; Digos City sa Davao del Sur; Mati City sa Davao Oriental; at mga bayan ng Sta. Cruz sa Davao del Sur, Carmen sa Davao del Norte, Maco sa Davao de Oro, at Malita at Davao Occidental; “at iba pang mga lungsod at munisipalidad na malilikha sa hinaharap ayon sa itinadhana ng batas.
Mandato ng MDDA na bumuo ng mga plano na nakahanay sa Davao Region Development Plan at Philippine Development Plan 2017-2022; at magtakda at magpatupad ng mga polisya sa transport management, solid waste disposal, urban renewal, zoning at land use planning, shelter service, health and sanitation, urban protection, pollution control, public safety, at iba pang metropolitan-wide programs and projects.
Nakasaad sa Updated Philippine Development Plan 2017-2022, “metropolitan centers provide higher forms of economic services and facilities, including innovation and advanced services, culture and tourism, education and research, transportation and trade, and manufacturing and technology development.”
Sa kasalukuyan, may tatlong major metropolitan centers sa Pilipinas at ito ay ang Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao.
Binubuo ang Metro Davao ng Davao City at sumasaklaw sa mga kalapit na lalawigan ng Davao de Oro, Davao del Norte, Davao Oriental, Davao del Sur at Davao Occidental, ay itinuturing na “major international gateway and the center of commerce and education” ng Mindanao.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY