Dinagit ng Atlanta Hawks si Dejounte Murray mula sa San Antonio Spurs via trade. Kapalit nito si forward Danilo Gallinari at three-first-round picks sa Spurs ayon sa ESPN.
Makukuha naman ng Spurs ang 2023 protected first-round pick via Charlotte. Gayundin ang first-round picks sa 2025 at 2027. Kasama na rito ang swap of picks sa Atlanta sa 2026.
Ang 25-anyos na si Murray ay naging star caliber ng Spurs nitong nagdaang season. Mayroon siyang average na 21.1 points, 9.2 assists at 8.3 boards per game. nagtapos siya sa NBA sa third spot na may 2.0 steals per game.
Nasungkit ng Spurs si Murray bilang No.29 overall noong 2016 Draft. Hindi siya nakapaglaro noong 2018-19 sa buong season dahil sa torn ACL. Sa kabuuan, nakamag-ambag siya ng 12.5 points at 6.0 boards per game sa kanyang 320 career games (249 starts).
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2