PINALAWIG pa ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pagbabayad ng mga business tax na para sa noong nakaraang taon ng 2021.
Ito’y matapos pirmahan ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance No. 2022-06 na nagbibigay ng karagdagang extension sa deadline ng pagbabayad ng business tax sa lungsod.Sinabi ni Mayor Tiangco na mula January 31, 2022, ginawa na itong hanggang February 15, 2022 para mas magkaroon aniya ng panahon ang mga taxpayers na makapagbayad.
Ayon pa sa kanya, sa ilalim ng naturang ordinansa, ang mga negosyante sa lungsod ay binibigyan ng hanggang February 15, 2022 upang bayaran ang kanilang mga business taxes nang walang surcharge, penalty o interes.
“Puwede kayong magbayad online sa https://online.navotas.gov.ph/ o sa Business One-Stop Shop. Bukas sila ng Lunes-Biyernes, 8am-8pm, at Sabado-Linggo, 8am-5pm,” pahayag niya.
Nauna rito, nagbigay ang Navotas ng tax amnesty sa mga indibidwal at negosyo sa pamamagitan ng General Pandemic Amnesty Program at nagbigay ng mga diskwento sa mga on-time taxpayerss sa ilalim ng Pandemic Recovery Assistance Program.
Bahagi ang mga programang ito ng isang serye ng mga hakbang sa pagbawi ng ekonomiya na ipinatupad ng pamahalaang lungsod upang mabawasan ang epekto ng COVID-19 sa Navoteño taxpayers.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA