KINUMPLETO ng DeLa Salle- Lipa ang pagwalis ng Pool A weekend matches kahapon sa pagposte ng 25-23,25-11 wagi kontra Junction Youth Organization ng Los Banos( Laguna) sa pagpapatuloy ng Philippine National Volleyball Federation ( PNBF) Under-18 Championships na humataw sa Rizal Memorial Coliseum.
Ang 16- anyos na si Raizah Nicole Mamailao ang natoka sa depensa sa net para sa DLS-L upang makatulong na mauwi sa 3-0 kartada sa ikatlong weekend ng torneong inorganisa ng PNVF na pinamumunuan ni Ramon ‘Tats Suzara at suportado ng Philippine Olympic Committee,Philippine Sports Commission,PLDT,Rebisco at Akari.
” I reminded the girls not to be selective and follow the game plan, ” wika ng 19- taon nang coach ng De La Salle- Lipa na si Imee Mendoza.
” We just have to work harder.Our job is not done as we are heading now to the quarterfinals,” sambit naman ng seventh grader na si hitter Maezen de Silva. Wala na sa kontensiyon ang Junction Youth Organization bunga ng pagkatalo sa Batanguenas.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW