December 24, 2024

DE LA HOYA, BALAK MULING MAGBALIK SA BOXING

Isa si boxing icon Oscar De La Hoya sa mga retiradong boxer na posibleng magbalik aksyon sa lona. Ngunit, mangyayari lamang ito kapag umupak muna sa lona si boxing heavyweight champion Iron Mike Tyson.

Gayunman, ang isa sa masasabing balakid sa pagbabalik lona ng 47-anyos na si De La Hoya ay ang kanyang pagiging alcoholic. Kung magbabalik aniya siya, kinakailangan niya ng disiplina kung seseryosohin niya; upang bumalik sa dating porma at tikas ang kanyang pangangatawan.

Ang former six-weight world champion ay nakapagtala ng 31sunod na panalo sakanyang professional bouts at nagretiro noong 2008 tangan ang 39-6 record.

“I actually want to see what Tyson does first. I have been working out, I have been training and I have been staying in shape,” pahayag ng tinaguriang ‘ The Golden Boy’ sa panayam ng RingTV.

“Obviously, I’m not in fighting shape, yet, to go 12 rounds, but I’m sure I can get there. We’ll see.”

I want to see Tyson perform, how his reflexes are, see if he can go past three, four rounds. Then I’ll make my decision,” dagdag niya.

Ang former six-weight world champion ay nakapagtala ng 31sunod na panalo sakanyang professional bouts at nagretiro noong 2008 tangan ang 39-6 record. Huli niyang nakalaban si eight division world boxing champion Manny ‘Pacquiao’ sa 145lbs division noong Disyembre 2008, kung saan nagwagi ang huli via technical knockout.

Kung sakaling magbalik lona si De La Hoya, nais niyang lumaban sa 16o pounds o sa middleweight division. Kung saan doong dibisyon din siya lumalaban noong kaagahan ng kanyang boxing career.

Kung sakaling makabalik, maaaring makaharap niya si Canelo Alvarez, dahil nais umanong makaupakan nito ang matitikas na boxers. Ngunit, iginiit niya na hindi niya lalabanan ang matikas na boxer.

I would really come back. I’m really considering it.It doesn’t matter [who]. Anybody who is the best out there. I still have that mentality,” giit niya.