MATAPOS ang general assembly ng Philippine Olympic Committee kamakalawa ay simula na kahapon ang duty ni deputy Chief De Mission ( DCDM)Leonora Escollante ng Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation( PCKDF) na magiging katuwang ni Chief de Mission( CDM) Chito Loyzaga ng Philippine Amateur Baseball Association(PABA) para sa 32nd Southeast Asian Games Cambodia 2023 Phnom Penh kung saan ay lahok ang Pilipinas.
Ang isa pang assistant CDM ay si Philippine Sambo Federation( PSF) head Paolo Tancontian.
“Their handling of their respective NSA’s( national sports associations) and their management skills make them deserving of the post,” wika ni Philippine Olympic Committee( POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino (Tagaytay City Mayor) sa pagkanombra sa tatlong sports leader na malugod na tinanggap ang mabigat pero karangalang maglingkod para sa bayan.
“It’s a privelge so I will be doing my best to carry out my task.
I thank the POC for the trust,and rest assured,I will do my best to deliver with excellence”,sambit ni Escollante na siyang head coach ng multi- international gold medalist na Philippine Dragonboat team,P CKF official at naging Best Setter awardee nang huling nagkampeon ang Pilipinas sa women’s volleyball noong 2003 Singapore SEAGames kasabay ng kanyang pagsaludo sa POC leadership at kasamahan nya sa misyong sina Chief Loyzaga at deputy ring si Tancontian.
Ang ika-32 edition ng naturang biennial meet na sasambulat sa Mayo 5-16,2023 at gaganapin sa Phnom Penh at Siem Reap ay binubuo ng 608 events sa 49 sports na pagtutunggalian ng mga bansang Pilipinas, Thailand, Vietnam, Indonesia, Malaysia, Singapore, Myanmar, Laos, Brunei, Timor Leste at host Cambodia.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY