PASOK sa top spot sa Twitter trends ang National ID matapos ireklamo ng ilang user ang kanilang naranasang problemang teknikal sa website ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa unang araw ng online registration.
Dahil dito, naglabas ng advisory ang nasabing ahensiya at sinabi na sinisikap ng kanilang team na resolbahin ang issue na ito sa lalong madaling panahon.
Kasabay nito ay humihingi ng paumanhin ang ahensya sa abala na idinulot ng technical difficulties na nangyari.
Nauna nang sinabi ng National Economic Development Authority (NEDA) na kokolektahin sa online system ang demographic information ng mga aplikante para sa National ID. Noong 2018 nang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at naging ganap na batas ang proposed national identification system.
Nilalayon nitong pag-isahin ang lahat ng mga government-issued ID para magkaroon ng pambansang ID ang lahat ng mga Pilipino.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan