HINDI pumayag na magbakasyon ang Davao Occ. Cocolife Tigers matapos nitong resbakan ang Pampanga Royce ,82-79 sa game 2 semifinals ng Pilipinas Super League Pro Division Dumper Cup kamakalawa ng gabi sa dinagsang Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando,Pampanga.
Ang defending champion Tigers ng Bautista clan sa Davao Occidental na suportado nina Cocolife Pres.Atty. Jose Martin Loon ,SVP Joseph Ronquillo,VP Rowena Asnan at EVP Franze Joie Araque ay naghahabol sa tropang Kapampangan matapos silang maunahan sa game 1 ng serye ,0-1 kaya sinikap nilang hindi ma-sweep at umwi ng maaga ang mga Davaoeños.
Nagsanib – puwersa ang mga reliable veteran Tigers sa pangunguna ni sweet-shooting John Wilson na siyang naging Winzir Super Player of the game sa kamada nitong 20 puntos ,8 rebounds at 2 steals katuwang sina Emman Calo kung saan ang kanyang krusyal na 2 for 2 sa foul line ang sumelyo sa kanilang panalo.
Pasiklab din si Robbie Celis na nangatawa na sa endgame pati na si Larry Rodriguez at MVP Gab Dagangon upang manatiling buhay ang kanilang misyong back-to Back championship sa ligang inorganisa ni PSL president Rocky Chan,vice Ray Alao at commissioner Mark Pingris.
“Nag- adjust kami sa depensa kaya ito ang nagpakinang ng aming opensa.Teamwork lang kailangan para marating ang aming mithing finals”, wika ni Wilson. Nasorpresa naman ang Jolo Mendoza-led Pampanga Royce sa inilatag na game plan ng Tigers sa bakbakang experience versus youth kung saan ay nanaig ang karanasan.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA