April 24, 2024

10K ALOK NA TRABAHO NG MANILA LGU

Muling ikakasa ng Public Employment Service Office (PESO) ng lungsod ng Maynila ang ikalawang mega job fair.

Isasagawa ito sa Sarmiento Covered Court sa Teresa Street kanto ng Old Sta. Mesa Street sa Sta. Mesa, Maynila.

Sisimulan ito ng alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Nasa 64 na employers ang inimbitahan kung saan aabot sa 10,000 bakateng trabaho ang inaalok dito.

Partikular naman iniimbitahan na lumahok sa nasabing mwga job fair ay ang mga High School Graduates, College Level, College at Tech/Voc Graduates.

Paalala naman ng PESO Manila, magsuot ng casual attire, magdala ng hanggang sampung (10) kopya ng resume at magdala ng sariling ballpen.

Pinapayuhan rin ang lahat na sumunod sa ipinapatupad na minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask upang maiwasan na magkahawaan ng COVID-19 at iba pang sakit.