DAVAO CITY – Dahil sa P19.784 na bilyon ng total asset noong nakaraang taon, ang siyudad na ito ay nasungkit ang ika-10 puwesto sa pinakamayaman na siyudad sa bansa para sa taong 2019, ayon sa Commission on Audit’s (COA) Annual Financial Report (AFR) for Local Government.
Sa inilabas na listahan ng COA report noong Huwebes, pinakamayaman pa rin ang Makati City sa buong Pilipinas, na may P233.7 bilyon na asset, na sinundan ng Quezon City (P96.4 bilyon), Maynila (P64.8 bilyon), Pasig (P45.6 bilyon), Cebu City (P34.7 bilyon), Mandaue City (P32.1 bilyon), Taguig City (P29 bilyon), Caloocan (P20.5 bilyon), at Pasay (P19.7 bilyon).
Ang Lungsod ng Davao ang nag-iisa na local government unit sa Mindanao na nakapasok sa listahan.
Ayon kay Mayor Sara Dutrerte, hindi nila inaasahan na makakapasok ang lungsod sa naturang listahan.
“Actually, we did not target to achieve it in 2019. It is not (what) we are targeting,” saad nito sa isang panayam sa radyo.
“I instructed the City Treasurer’s Office to check if we had the same collection last year. From there, we will try to analyze if there is a change in terms of performance on the city government’s collection.”
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY