NAPIGIL ang pamosong winning tradition ng powerhouse Davao Occidental Tigers Cocolife matapos na kinapos sa quarterfinals ng Maharlika Pilipinas Basketball League( MPBL) south division .
Ang MPBL 2022 national champion at Pilipinas Super League national titlist na Davao Occidental Tigers. Cocolife na paga-ari ng Bautista clan sa Davao Occidental kaagapay ang Dumper Party List at suportado nina Cocolife president
Atty Jose Martin. Loon, SVP Joseph Ronquillo,VP Rowena Asnan at Atty. Elmore Omelas ay kasalukuyang marubdob na pinapalakas ang mga naging factor ng kanilang kampanya sa MPBL ’24 season upang maging lalong mabangis ang kalibre nito bilang isa sa pioneer team sa kanilang pagbaballik sa MPBL next season.
Hindi nakuhang umabante sa finals ng Tigers nang masilat ito sa quarters upang di makausad sa semis dahil sa tangang 15- 9 win- loss record sa MPBL ’24.
Dahil sa naturang setback ay ay tiniyak ng Davao team management na magiging mas marubdob ang kanilang paghahanda sa. mga mini torneo partikular sa larangan ng basketbol bago ang susunod na mga bagong torneo pang lalahukan sa hinaharap.
Magkakaroon ng team build-up partikular sa caging at umaasa si team manager Bonleon magkakaroon ng slight changes sa line up.
Ang mga players nitong nakaraang season ay binuo nina Jun Manzo, Ryan Costelo, Winston Ynot, Bon Custodio, Balong Marquez, Mark Olayon, Kurt Lojera, Josh Flores, Justine Sanchez, Bam Gamalinda, Jr Ongtengco, Kelly Nabong, Noel Bonleon, RR de Leon, sa timon ni head coach Manu Iñigo kaagapay sìna assistant coaches, Andy Mejos, Noli Hejos, Nonoy Bonleon, Coach James Bartolome, Coach Onelle, Coach VL Sandalo.
Team Manager si Arvin Derla Bonleon na nagsabing mas mabangis ang Tigers sa kanilang pagbabalik.
“Hear us roar again!” sigaw ng Tigers. (DANNY SIMON)
More Stories
PALASYO NAGLABAS NG EO PARA ‘TODASIN’ ANG POGO SA ‘PINAS
CHAMPION ANG TNT SA GOVERNORS CUP!
DOH-W. VISAYAS NAGLUNSAD NG KAMPANYA KONTRA PAPUTOK