Naniniwala si Ginebra head coch Tim Cone na kayang maging coach ni Sean Chambers dito sa bansa.
Ito’y bunsod ng pagiging interesado ni Chambers na timunan ang UST Growling Tigers. Kasalukuyang bakante ang coaching position ng UST.
“I think Sean would be awesome as a coach here. He knows Philippine basketball like the back of his hand,” ani Cone.
Naging matunog ang pangalan ng dating Best Import ng PBA na si Chambers pagkatapos na lumutang ang pangalan ito bilang coach ng UST.
Binakante ni Aldin Ayo ang coaching job sa Growling Tiger dahil sa kinasangkutan Bicol bubble controversy.
“I will make a decision after this weekend whether to apply for the position,” ani Chambers na dating import ng Alaska Milkmen noong 90’s.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo