November 24, 2024

DATING JAPANESE PRIME MINISTER SHINZO ABE,  PATAY MATAPOS BARILIN HABANG NAGTATALUMPATI

Pumanaw na si dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe matapos barilin habang nagtatalumpati nitong Biyernes, Hulyo 8.

“According to a senior LDP (Liberal Democratic Party) official, former prime minister Abe died at a hospital in Kashihara city, Nara region, where he was receiving medical treatment. He was 67,” anang NHK.

Sinabi ni Chief Cabinet secretary Hirokazu Matsuno, na nangyari ang pamamaril dakong 11:30 a.m. habang nagtatalumpati si Abe, 67-anyos.

Bumagsak si Abe madinig ang putok ng baril at may umagos na dugo mula sa kaniyang leeg.
.
Isang lalaki na tinatayang 40-anyos, na pinaniniwalaang bumaril kay Abe ang dinakip.

Ilang media outlet ang nag-ulat na hinihinalang nanggaling sa likuran ang bunaril kay Abe.

Si ang Abe ang pinakamatagal na nagsilbing prime minister ng Japan mula 2006 o isang taon, at muli noong 2012 hanggang 2020.