
ARESTADO sa entrapment operation ng National Bureau of investigation ang isang dating Customs collector ng Bureau of Customs kasama ang dating empleyado ng business tycoon na si Lucio Tan.
Kinilala ng NBI Anti-Organized & Trans-national Crime Division (AOTCD) ang mga nahuling suspek na sina Atty Juan “John” Natividad Tan, dating Customs Collector sa Lalawigan ng Batangas at ang nagpakilalang kawani ng negosyante na si Benjamin Sebastian.
Ang dalawa ay inireklamo sa National Bureau of investigation, ng isang negosyante.
Nahuli ang mga suspect sa waiting area ng Century Park Hotel, sa Vito Cruz, Malate, Maynila.
Nabatid na humingi ng halagang 11-million pesos ang dalawang salarin upang ipang-areglo sa mga problema sa imports ng kompanya ni Tan.
More Stories
POGO BUHAY NA NAMAN? MAY BAGO SILANG MODUS – HONTIVEROS
SEN. LAPID NAGSAGAWA NG MOTORCADE SA BACOLOD CITY AT NEGROS OCCIDENTAL
CONVOY NG PNP CHIEF, SINITA DAHIL SA PAGGAMIT NG EDSA BUSWAY